Paano Nga Ba Mag-Book Online?


Madali lang mag-book ng bus seats sa Biyaheroes!

1. Lumikha ng iyong booking

Online Bus Booking - Step 1 - Biyaheroes

Piliin ang iyong pupuntahan o dulo ng biyahe ng bus (destination or bus end point), panggagalingan (origin), ilan kayong pasahero (number of seats), at petsa kung kailan ang alis mo (departure date).

Pumili ng drop-off point sa dropdown kung bababa ka sa gitna ng ruta. Para sa biyaheng PARTAS, kasali dito ang mga lugar na madadaanan sa Tarlac, Pangasinan, and La Union. Para sa CODA Lines, kasali dito ang Bontoc and Banaue. Para sa JAC Liner na biyaheng Mauban, kasali dito ang Tayabas. Hindi kailangan ito ng mga mangagaling o patungong Marinduque dahil kasali na sa origin at destination lahat ng bayan dito.

Importante pong malaman na ang mga nakasulat lamang na pwedeng panggalingan ang maaaring pick-up points. PWede kayong ibaba ng bus sa lahat ng madadaanan nito, pero hindi ka nila pwedeng sunduin sa kalagitnaan ng ruta.

2. Piliin ang gustong schedule

Online Bus Reservations - Step 2

Nakasaad dito ang bus, klase ng bus, ruta, upuang pwede pang mapili, oras ng pag-alis, at presyo.

Piliin ang gustong schedule at basahin ang ibang detalye tungkol dito. Kung go na go ka na, pindutin ang 'Select Seats' para tumuloy sa pagpili ng upuan.

3. Piliin ang gustong upuan

Online Bus Booking Philippines - How to - Step 3

Kung ilan ang pasaherong sinabi mong sasakay, yun din ang dami ng pipiliin mong upuan.

Sakali man na iba-iba kayo ng bababaan ng iyong mga kasama, maaari mong palitan ang drop-off ng bawat pasahero. Pwede pang mapili ang puting upuan. Ang gray o kulay abong mga upuan ay napili na ng iba. Kulay berde ang mga pinili mong upuan. Ang 'Enter Passenger Details' ay mapipindot na kapag napili na lahat ng upuang kailangan.

4. Isulat ang pangalan at mga detalyeng hinihingi para sa nag-reserve at sa bawat pasahero.

Book Buses in the Philippines - Step 4
Bilang taong nagrereserve ng mga upuan, kailangan mong isulat ang iyong pangalan, email address, at cellphone number. Pwede ka din maglagay ng importanteng bilin para sa bus operators. Kung pasahero ka din, lagyan ng tsek ang 'I am also a passenger' para mabigyan ka ng upuan. Sulatan ang bawat upuan ng pangalan ng mga pasehero, at ideklara na din kung meron mang estudyante, PWD, o senior citizen. Bibigyan ang mga ito ng discount, pero kailangan ideklara ang ID numbers. Ittsek din ang IDs na ito ng mga ticketing officer at konduktor. Walang ID, walang discount.

Kapag nag-book ka online, pwede kang mamili ng iyong perks at freebies! Kapag naka-sign in ka, may points ka pang makukuha!
Online Bus Reservations - Step 5

5. I-double check ang booking

Online Bus Booking - Step 6

Ipapakita ang lahat ng iyong isinulat at pinili para sa iyong reservation. Papapiliin din kayo ng paraan kung paano magbayad gamit ang dropdown. Kung sigurado ka na, i-click ang 'Pay Now.'

Online Bus Reservations Philippines - Step 7
Hihingi ng pangalawang confirmation ang Dragonpay sa piniling payment option. Ipapadala ng Dragonpay ang extra instructions kung paano magbabayad sa iyong piniling paraan.

Ito ang kumpletong listahan ng paraan sa pagbayad:

Online Banking

Bitcoins (bago!)
BDO Internet Banking
BDO Corp. Internet Banking
BPI Express Online
Chinabank Online
Metrobankdirect
RCBC AccessOne
Unionbank of the Philippines EON
Unionbank of the Philippines
UCPB Connect

Over-the-Counter/ATM

BDO ATM
BDO Over the Counter
BPI Over the Counter
Chinabank Over the Counter
Landbank Over the Counter
Metrobank Over the Counter
PNB e-banking Bills Payment
PNB Over the Counter
RCBC Over the Counter
Robinsons Bank Over the Counter
Sterling Bank Over the Counter
Security Bank Over the COunter
Unionbank ATM
Unionbank Over the COunter
UCPB Over the Counter

Payment Centers

Bayad Center
Cebuana Lhuillier
EC Pay
LBC
Robinsons Department Store
RuralNet Banks and Coops
SM Departments Store/Supermarket/SaveMore Counter

Others

BPI Globe BanKo
Globe Gcash
Smart Carrier Billing

7. Bayaran ang buong halaga. Makakatanggap ka ng text at email mula sa amin.

Hindi mo na kailangan ipadala ang iyong resibo. Kapag nagbayad ka na, automatic na magttext kami at email na naglalaman ng iyong travel voucher. Kailangan ito i-print at ipresenta sa terminal para sa iyong check-in at mismong tickets.

Ang dali 'no? :)

Madali na ngayon mag-reserve ng bus seats! Pakibasa na din ang terms and conditions ng bus at siguraduhing nakapag-check in na kayo bago o sa oras na sinaad sa inyong ticket.

Mag-book na sa Biyaheroes!